Friday, May 20, 2005

bahay-bahayan

there are several experiences which aren't quite captured well in straight english. the past week an example. binisita kasi ako rito sa new york ng mga kapatid ko galing pilipinas kaya ayun medyo nakakapanibagong parang nagbago na naman ang new york. to begin with, kinailangan kong ayusin yung apartment dahil dun sila makikitira. from walang sahig dahil kalat-kalat lahat ng labada at sandamakmak na papel atbp, ayun malinis na malinis na. buti nalang nauna sa akin yung pamangkin ko kaya nagka-instant-katulong ako bigla sa paglilinis. sayang nga lang wala akong nakuhang "before" pic para naman kitang kita yung ultra-major transformation.

for the whole saturday, magkasama kami nung pamangkin ko. pagkatapos maglinis buong umaga, ikot-ikot sa village. tingin sa mga guitar stores. punta sa nintendo street fair sa rockefeller, punta sa nba store, disney store, niketown, fao schwarz, central park. buhay-"turista" na naman kaya ilang kilometrong paglalakad na naman. instant tour guide tuloy ako slash chaperon pero mahusay din dahil feeling kuya, with matching cooking skills pa (medyo success yung spaghetti experiment ko--yung wine malamang ang nagpasarap).

saturday night naman dumating sina ate rec galing jersey. dito na rin sila natulog sa akin. sunday ikot-ikot na uli kami. take 2 sa rockefeller, 5th avenue, nba store, central park, disney store, st patrick's, etc. pinoy na pinoy, gustong sulitin yung pagbisita kaya pasyal kiti pasyal. medyo mahusay dahil matagal ko na rin hindi napasyal ang new york nang ganun. at medyo mahusay din yung print your own potato head sa disney store at arcade basketball sa nba store DAHIL libre! sarap, bihira makahanap ng libre dito sa new york. pag-uwi ng gabi luto-luto, grocery-grocery, hugas-hugas ng pinagkainan. bahay na bahay talaga ang dating, pamilyang pamilya ang dating. medyo nakakapanibago. na parang hindi. labo.

monday. may pasok ako so nagpasyal mag-isa sina ate and family. tinuruan ko nalang magsubway para hindi mawala. medyo nakakapanibago na naman dahil biglang parang nakakaengganyong bumili ng ipampapasalubong. so baba ako sa office namin (sa chelsea market kasi ahensya namin, kabuilding ng food network so ang daming specialty food store sa baba) and bili nung brownies na paborito ni oprah winfrey para matikman nila ate pag-uwi ko. dating akong bahay, wala pa sila. so bisikleta muna para naman mabawi yung extra pagkaing nilamon. paluto na sana ako ng dinner tas biglang dumating pamangkin ko sinusundo ako, kain daw kami dun sa white castle sa may kanto. kakapanibago na naman dahil yung white castle sa kanto na bihira ko naman talaga pansinin biglang nagkakahulugan, well medyo lang. turns out ultra-favorite yun nung mga pamangkin ko sa pilipinas dahil kay harold and kumar, kaya ayun pakodak-kodak sa harap ng tindahan.


tuesday, big day na naman. may pasok ako pero sumunod na dumating sina ate ace, arwin and kuya vince naman dito sa new york. pagkatapos magkandasalisihan at magkandawalaan, nagkakitakita rin kami finally dun sa may kanto malapit sa port authority, sa gitna ng daan. kain kami dun sa yoshinoya. nakakatuwang, nakakapanibago. parang mahirap mapaniwala na talagang magkakasama kaming andito sa new york. pagkatapos ng dinner punta kami sa phantom (yun yung treat ko sa kanila). maganda pala siya (second time ko na siyang napanood pero maganda pala siya). pagkatapos nung play, kahit na medyo gabi na, punta pa kaming times square, pakuha ng mga picture na nakakapanibago na naman dahil bihira akong nagpapapicture talaga pero masaya rin pala (haha, parang tanga), tingin tingin ng mga souvenier, lakad-lakad na naman, paakyat papuntang trump tower na favorite nila ate ace dahil sa apprentice, nagkataong may nagshooshooting so pinoy na pinoy uzi kami at nagpapicture na naman. nakauwi kami siguro mga alas dose na. AT di pa na nakuntento kaya nagmidnight snack pa--noodles, tasty, junior's cheesecake, and pinainit na tira-tira. pagkatapos kumain, latag-latag na ng kama. dikit-dikit. tabi-tabi. kutchon sa sahig style parang yung ginagawa naman sa bahay sa san juan nung sinaunang panahon.

wednesday, nag-day-off ako para makasama sila sa pamamasyal. besides, bihirang mangyaring andito silang lahat so bakit naman ako papasok! pasyal pasyal sa ground zero, pakuha sa ferry overlooking lady liberty, hati-hati sa 2 dambuhalang pizza, shopping ng mga souvenier, shopping sa may conway (kung san maraming ok na mura!). by mga 7, nakaalis na sila. papuntang delaware kina ate mylene. nakakatuwa na kasama sila. ibang iba ang new york. parang biglang naging pilipinas na hindi. medyo nakakalungkot din na hindi dahil magkikita pa naman kami.

thursday, and today friday, unti-unting back to "normal" pero nakipagkita pa rin naman ako sa dating kaibigan sa college so parang pinas feel pa rin. nakakapanibagong nagagamit ko uli ang tagalog. at madalas na kumakain ng kanin at may kutsara. (weird, medyo walang connect pero now that i think about it ba't parang mas mura na ngayon ang dating sa kin ng tang*na kesa sa f*ck?)

(baka antok lang 'to) teka, i should really sleep now. have a flight to florida by 7 am tomorrow so i have to be up really f*ckin' early. meeting there with the rest of the family again. imagine, 6 of us siblings will be there together! sayang di pwedeng makasama si ma at pa at si ate ann at pamilya at iba pang mga pamangking naiwan sa pilipinas. pero astig pa rin nonethless.

with this shifting back in forth to pinoy and new yorker mode, am i just sleepy or have i gotten sick in the head?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home